Isasara sa motorista ang 13 U-turn slots sa kahabaan ng EDSA.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson Celine Pialago ito ay para bigyang daan ang itinalagang bus lane sa EDSA.
Ang mga U-turn slot aniya na ito ay nasa apat na lungsod na kinabibilangan ng Caloocan, Quezon, Makati at Pasay.
Mangyari umanong dumaan na lamang sa mga alternatibong rutang ibibigay ng MMDA.
Magugunitang unang inihayag ng MMDA na posibleng magsilbing “connecting road” ang EDSA kasabay ng mga pagbabago sa pagtatalaga ng bike at bus lane.