Labintatlong (13) United Nations mission staff ang binihag ng tinatayang isandaang (100) South Sudanese refugees.
Kabilang ang mga refugee sa limandaan tatlumpung (530) katao na karamiha’y dating rebelde na lumikas dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan sa South Sudan.
Iginiit ng mga refugee sa mga UN staff na ilipat sila sa isa pang bansa dahil magulo rin sa Congo.
Tinatayang tatlong (3) milyong South Sudanese ang lumikas at lumabas ng kanilang bansa, ang pinakamalaking cross-border exodus sa Africa simula noong 1994 Rwandan Genocide.
By Drew Nacino
13 UN staff binihag ng mga refugee sa South Sudan was last modified: April 19th, 2017 by DWIZ 882