Nakapagtala ng 13 volcanic earthquake sa Bulkang Kanlaon sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa volcano bulletin ng PHIVOLCS nakapagtala rin ng moderate emission ng kulay puting steam laden plumes mula sa crater ng bulkan na ang taas ay umabot sa hanggang 200 meters.
Nasukat naman sa average na 136 tonnes per day ang sulfur dioxide mula sa bulkang Kanlaon.
Nananatili sa alert level 1 ang bulkang Kanlaon na nangangahulugang hindi a rin normal ang kondisyon nito at bawal pa rin ang pagpasok sa 4 kilometer radius permanent danger zone ng bulkan.