Isasalang sa preliminary conference ng Commission on Elections ang mga kandidatong nais tumakbo sa pagkapangulo.
Sinabi sa DWIZ ni COMELEC Chairman Andy Bautista na bagamat ilan sa mga nagsumite ng certificate of candidacy ay maituturing na “nuisance candidates”, kailangan pa rin aniyang idaan sa due process ang mga ito.
Kabuuang isang 130 ang mga nagsumite ng kanilang COC sa pagkapangulo kayat kasama sa mga aalamin ay ang plataporma at kakayahang mangampanya ng mga ito sa buong bansa.
“Kailangang bigyan ng kaukulang proseso ang bawat mamamayan na gustong magsilbi. Gumagawa kami ng parang checklist dito sa COMELEC tapos ia-assess yung karapat dapat na tumakbo sa halalan sa 2016,” paliwanag ni Bautista.
By: Aileen Taliping (Patrol 23)