Sumipa na sa 1,223 ang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ito’y makaraang madagdagan ng 134 ang bilang ng mga bagong kaso ng mga tinamaan ng nasabing virus.
Batay sa datos mula sa PNP Public Information Office as of July 13, 130 sa mga bagong kaso ay nagmula sa police regional office 4A o CALABARZON habang ang nalalabing apat ay mula naman sa National Capital Region Police Office (NCRPO).
Samantala, nadagdagan naman ng isa ang bilang ng mga pulis na nakalaya sa sumpa ng COVID-19, nakapako naman sa siyam ang bilang ng mga nasawi.
Nasa 1,431 naman ang bilang ng mga pulis na binabantayan ng pnp bilang mga suspected cases habang nasa 666 naman ang mga nasa probable cases.