Mahigit 13, 036 passport appointment slots ang nasayang ngayong Enero.
Ito ang sinabi ni Department of Foreign Affairs Undersecretary for Civilian Security and Consular Affairs Brigido Dulay kung saan ang naturang slot ay pinareserve ng mga recruitment at manning agency.
Aniya, mahigit 614 o 4.5% lamang ng pinareserve ang aktwal na nagamit.
Dagdag pa ng opisyal, hanggang sa ngayon ay sinusubukang habulin ng kagawaran ang demand sa passport appointment.
Dahil dito, maglalabas ang DFA ng karagdagang slot sa mga susunod na linggo para makapagbigay serbisyo sa iba pang aplikasyon. -sa panulat ni Airiam Sancho