Malamig ang Malacañang sa panukalang magtayo ng Department of Overseas Filipino Workers.
Ipinaliwanag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na kapag itinatag ang Department of OFW’S, para na rin aniyang naging Institutionalize ang pagpapadala ng mga manggagawang Pinoy sa ibang bansa.
Taliwas aniya ito sa hangarin ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapauwi sa bansa ang mga OFW’S at dito na lamang magtrabaho.
Binigyang-diin ni Bello na batid ni Pangulong Duterte ang paghihirap ng mga OFW’S sa ibang bansa at nagsasakripisyo para lamang mabigyan ng maayos na buhay ang iniwanang pamilya.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping