Kinumpirma ng Aviation Authority ng China na aabot sa 132 individuals ang nasawi sa naganap na plane crashed kamakailan sa mabundok na bahagi ng Wuzhou City, Tengxian, China.
Ayon sa ulat ng state broadcaster CCTV ng Southern Guangxi Region, na inihayag mismo ni Civil Aviation Administration Director General Hu Zhenjiang, na walang nakaligtas sa 123 na pasahero ng nag-crashed na flight MU-5735.
Kasama rin aniya sa mga binawian ng buhay ang siyam na crew members ng bumagsak na eroplano.