132 sa 196 na tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) Region 6 o Western Visayas ang nagnegatibo sa o coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay BFP Region 6 spokesperson Fire Senior Inspector Stephen Jardeleza, 103 personnel nila ang negatibo sa isinagawang rapid test kahapon, Hunyo 20.
Habang 29 pang iba ang nauna na ring nagnegatibo sa kanilang test noong Biyernes.
Sinabi ni Jardeleza, kabilang sa mga nagnegatibo si dating BFP-6 Director Fire Senior Superintendent Roderick Aguto na sinibak sa puwesto matapos dumalo sa despedida party sa Boracay Island ang ilan sa kanyang mga tauhan kung saan isa ang kalauna’y nabatid na positibo sa COVID-19.
Negatibo rin aniya ang fire marshal at dalawang colonel ng Iloilo City BFP na kabilang din sa mga ni-relieve sa puwesto.
Samantala, 64 pang personnel ang hinihintay pa ang resulta ng kanilang COVID-19 test.