Pumalo na sa 133.2 milyon ang kabuuang bilang ng bakunang naiturok sa bansa laban sa covid-19.
Ayon kay Acting Spokeperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, sa bilang na ito 62.1 milyon ang fully vaccinated na.
Habang 61.5 milyong doses ang naiturok bilang unang dose.
Nasa 9.4 na milyon naman ang nakatanggap ng booster shot o karagdagang dose ng bakuna.
Samantala sa mga kabataang edad 5 hanggang 11, 329,285 na ang nabakunahan kung saan nananatili sa walo ang nakaranas ng non-serious events. —sa panulat ni Abby Malanday