Nakapagtala ang Department of Health ng karagdagang 134 na bagong nahawa sa COVID-19 sa bansa kahapon.
Patuloy namang bumababa ang aktibong kaso sa 5, 145 kahapon kumpara sa 5, 303 noong Lunes.
Ang mga rehiyong nanguna sa nakapagtala ng mataas na additional cases sa nakalipas na dalawang linggo ay ang NCR, 1, 075; Region 4-A, 385 at Region 3, 237.
Batay sa huling datos, nasa 3, 686, 216 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Umabot naman sa 3, 620, 659 ang gumaling at 60, 412 ang nasawi dahil sa COVID-19.