Aabot sa P134 Milyong halaga ng shabu at marijuana ang sinunog ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency sa Malabon.
Ayon kay PDEA Chief Isidro Lapeña, layon ng ginawang pagsunog na matiyak na hindi na mapakikinabangan pa ang mga iligal na droga na nakumpiska nila sa magkakahiwalay nilang operasyon noong nakaraang taon.
Idinagdag ni Lapeña na naiprisinta na sa Korte bilang mga ebidensya ang mga naturang droga kaya’t mayroon nang court clearance para wasakin ito.
By: Meann Tanbio
134 Milyong Pisong halaga ng shabu at marijuana sinunog ng PDEA was last modified: July 5th, 2017 by DWIZ 882