Aabot sa 3,448 o katumbas ng 13,469 na mga indibidwal ang magbabagong taon sa evacuation centers dahil sa pananalasa ng bagyong Usman.
Ito ay batay sa tala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung saan kabilang sa mga lugar na apektado ay Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan, Bicol at ang Eastern Visayas.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng dswd na naka antabay pa rin ang kanilang emergency communication equipment sakaling kakailanganin.
Nabatid na sa aabot na sa 395,144 na halaga ng tulong ang naibigay ng DSWD sa mga local government units (LGUs).