Mas marami pang barangay sa lungsod ng Maynila ang posibleng isailalim din sa total lockdown dahil sa mga paglabag sa umiiral na mga patakaran ng enhanced community quarantine.
Kasunod ito ng pagpapalabas ng listahan ng Manila Public Information Office ng umaabot sa 135 barangay sa Maynila na nagkaroon ng maraming pagsuway.
Ayon sa Manila Public Information Office, ang listahan ay ginawa ng bawat police station sa lungsod at ibinigay kay Manila Police District Chief Police Brig. General Rolly Miranda.
Itinuturing anila ang mga barangay na napabilang sa nabanggit na listahan bilang kandidato sa maaarig maisailalim sa hard lockdown.
Una nang inanunsiyo ang pagsasailalim sa hard o total lockdown ng Sampaloc dahil sa dami ng naitatalang kaso ng COVID-19 bagama’t wala pang eksaktong petsa ng pagsasagawa rito.