Kumalat na sa iba pang lugar sa China ang misteryosong sakit na dulot ng isang bagong Coronavirus na inihahalintulad naman sa nakamamatay na Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS).
Ito ay matapos kumpirmahin ng China health authorities ang naitalang dalawang kaso ng nabanggit na sakit sa Beijing.
Samantala, nakapagtala naman ang Wuhan Municipal Health Commission ng 136 na bagong kaso na natuklasan lamang noong Sabado at Linggo.
Dahil dito, pumalo na sa halos 200 ang kabuuang bilang ng mga naitalang kaso ng mistersyosong sakit sa Wuhan City kung saan tatlo na ang nasawi.
170 sa nabanggit na bilang ang patuloy na ginagamot sa ospital habang 25 na ang gumaling.
Una na rin natuklasan ang tig-isa kaso nito sa Thailand at Japan.