Umaabot na sa 1,364 ang kanseladong flights bago at matapos ang Asia Pacific Economic Cooperation summit.
Kabilang sa mga nagkansela ng flights ang Philippine Airlines, Cebu Pacific at CEBGO mula November 15 hanggang 21.
280 domestic at 78 international flights ang kinansela ng PAL; habang ang Cebu Pacific ay 365 domestic at 29 international flights; at ang CEBGO ay nasa 29 na domestic flights.
Nakatakdang isagawa ang APEC meetings mula november 16 hanggang 20.
By: Meann Tanbio