Nai-release na ng pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) ang higit 13-libong mga kargamentong naglalaman ng mga PPE’s o personal protective equipments.
Ayon sa pahayag ng BOC, 26 na ang naipalabas na kargamento kahapon, July 15.
Batay sa sa datos, nai-release ang mga naturang PPE shipments sa mga sumusunod na lugar:
- NAIA,
- Cebu,
- Clark,
- MICP,
- At sa POM o Port of Manila.
Sa kabuuan, nasa 13,847 na ang bilang ng mga nai-release na kargamento ng ahensya na pawang naglalaman ng mga PPE’s.