Pumapalo na sa 138,000 digital COVID-19 vaccine certificates ang naipamahagi na ng gobyerno.
Ang nasabing bilang, ayon kay DICT undersecretary Manny Caintic ay mahigit sa kalahati ng 225,000 request na kanilang natanggap sa buong bansa para sa vaccine certificates.
Ang VaxCertPh ay una nang inilunsad sa NCR at Baguio City kung saan itinayo ang mga booth para sa kaukulang document correction.
Ngayong linggong ito ay itinayo ang mga booth sa Central Luzon, Calabarzon, Metro Cebu at Davao Region para sa pilot roll out ng VaxCertPh.