Umabot sa 1,399 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa mula Abril a – 25 hanggang noong linggo, Mayo a – 1.
Gayunman, nilinaw ng Department of Health na ang nasabing bilang ay 5% na mababa kumpara sa kasong naitala noong mga nakalipas na linggo.
Batay sa weekly case bulletin ng DOH, nasa 200 ang daily case average sa bansa noong nakaraang linggo.
Kumpara ito sa 209 na average na naitala mula April – 18 hanggang 24 na mayroong 1,465 new COVID-19 infections.
Nasa 723 severe at critical covid-19 cases naman ang kasalukuyang nagpapagaling sa mga ospital.
Samantala, mayroong naitalang additional 40 deaths noong Abril 18 hanggang May 1.