Pumalo na sa 13K kaso ang Active Covid-19 cases sa bansa.
Base sa datos ng Department of Health (DOH), lumalabas na umabot na sa kabuang 13,021, ang mga aktibong kaso habang 1,825 naman ang new infections na naitala kahapon.
Mula ito sa dating 12,528 active cases at 1,712 Covid-19 infections.
Dahil sa mga bagong kaso, umabot na sa 3,716,522 ang nationwide tally ng DOH.
Ayon sa ahensya, nakapagtala ang National Capital Region ng 7,228 new cases noong nakalipas na dalawang linggo, sinundan ng CALABARZON na may 3,127, Western Visayas – 1,349, Central Luzon – 1,228, at Central Visayas na may naitalang 645 cases.
Mas maraming bilang naman ang bilang ng mga recovery na umakyat na sa 3,642,862, habang nananatili naman sa 60,639 ang death toll.