Balak namang buwisan ng pamahalaan ang 13th month pay ng mga empleyado.
Batay ito sa Comprehensive Tax Reform Plan ng administrasyong Duterte na nag-aamiyenda sa Internal Revenue Code Act of 1997.
Ayon kay House Ways and Means Chairperson Dakila Cua, kahit may buwis ang 13th month pay, malaki pa rin ang tax exemption para sa sumasahod ng hanggang 250, 000 pesos kada taon.
Gayunman, nilinaw ng mambabatas na hindi pa ito naihahain sa Kamara bilang isang panukalang batas.
By Jaymark Dagala