Nagpaalala ang Department of Labor and Employment o DOLE sa mga kumpaniya na ibigay sa oras ang 13th month pay ng kanilang mga empleyado.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nagiging produktibo aniya ang mga empleyado kapag naibibigay sa oras ang kanilang mga benepisyo at pribilehiyong itinatakda ng batas.
Malinaw aniya ang itinatakda ng batas na dapat naibigay na sa mga empleyado ang kanilang 13th month pay ng hindi lalagpas sa Disyembre 24 ng bawat taon.
Sakaling mabigo naman ang isang kumpaniya na ibigay ang 13th month pay sa kanilang manggagawa, dapat maisampa agad ang reklamo sa regional labor office ng hindi lalagpas sa Enero 15 ng kasunod na taon.
By: Jaymark Dagala