Tuloy ang pagbibigay ng 13th month pay sa tamang oras.
Tiniyak ito ni Labor Secretary Silvestre Bello III kasabay ang kasiguraduhang kikilos ang gobyerno para matulungan ang mga kumpanyang makapagbigay ng nasabing benepisyo na naaayon sa batas.
Sinabi ni Bello na bukas inaasahang mailalabas nila ang mga detalye hinggil sa pagbibigay ng 13th month pay ngayon taon bago mag ika-24 ng Disyembre.
Nanawagan si Bello sa Department of Finance (DOF) para i-subsidize ang small businesses at makapag-loan sa bangko ang mga ito para makapagbigay ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado.