Nagpaalala ang isang labor group sa lahat ng mga employer na ibigay sa mga empleyado ang kanilang 13th month pay bago mag-Disyembre 24 o bisperas ng Pasko.
Ito’y ayon kay Associated Labor Unions – Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) Spokesman Alan Tanjusay ay sa kabila pa rin ng pagbangon ng ekonomiya dahil sa umiiral na COVID-19 pandemic.
Una nang binawi ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang naunang mungkahi nito na payagan ang mga distressed employer na ipagpaliban ang pagbibigay ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado.
Binigyang diin ni Tanjusay, malinaw aniya ang nakasaad sa Presidential Decree 851 na dapat may nakalaang pondo ang mga employer para sa 13th month pay ng kanilang mga empleyado kaya’t hindi ito maaaring maipagpaliban.