Isinusulong ni Senator Mark Villar ang panukalang bigyan ng 13th month pay ang mga kontraktwal at job order (JO) na manggagawa sa pamahalaan.
Sa ilalim ng Senate Bill 1528, gagawing mandatory ang pamamahagi ng 13th month pay sa lahat ng kawani ng gobyerno kahit regular, contractual o job order.
Ayon kay Villar, mahalagang papel ang ginagampanan ng mga government worker dahil sa kanilang serbisyo sa publiko.
Dapat anyang makumpleto ng empleyado ang isang contract o tatlong buwan na pagtatrabaho bago mag-Hulyo 1 o fiscal year upang mabigyan ng benepisyo.
Inaasahan namang aabot sa 642,000 na mga hindi permanenteng empleyado ng pamahalaan ang makikinabang sa 13th month pay sakaling maisabatas ang panukala ng senador. —sa panulat ni Jenn Patrolla