Sumampa na sa mahigit 14 na milyong mag-aaral ang nakapagrehistro para sa school year 2022-2023.
Batay sa huling datos ng Department of Education – Learner Information System, kabuuang 14,284,778 mag-aaral ang nagpatala mula July 25 hanggang kahapon.
Pinakamarami sa kanila ay nagmula sa CALABARZON na may 2,116,809, sinundan ng Metro Manila na may 1,734,621 at Central Luzon na may 1,422,838.
Kabilangsa mga nagpatala ang 4,600,822 junior high school students; 2,114,997 ang senior high school students; 6,622,348 ang elementary students at 946,611 ang nasa kindergarten.
Sa August 22 magbubukas ang klase sa buong bansa na matatapos sa July 7 ng susunod na taon.