Aabot sa 14.29 billion pesos ang halaga ng iligal na droga na nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ikinasang operasyon sa Integrated Waste Management Incorporated sa Trece Martires City, Cavite.
Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, ang kinikasang aktibidad ay alinsunod sa guidelines na itinakda ng batas kaugnay ng mga nakumpiskang iligal na droga.
Sinabi ni Villanueva na ito na ang batch na may pinakamalaking volume ng iligal na droga na nakumpiska ng kanilang mga tauhan.
Sa ngayon, nasa 5,061 na barangay na ang kanilang nalinis kontra iligal na droga noong April 30, 2022 habang mayroon pang 10,410 na barangay ang kailangang linisin laban sa mga iligal na aktibidad.