Suma-kabilang buhay na ang 14 anyos na batang babae na na-confine sa isang pagamutan sa Albay dahil sa sakit na Dengue.
Kinilala ang biktima na si Kyla Morada Velasco, residente ng barangay Binitayan, Daraga.
Sa tala ng regional office ng DOH Bicol, mula Enero 1 ng taong kasalukuyan, pangatlo si Velasco sa kanilang lalawigan na namatay dahil sa naturang sakit.
Ngunit ayon sa DOH, sa nakalipas na buwan ng Hunyo, bumaba ang bilang ng dengue cases sa bansa, mula sa mahigit 200,000 noong June 2016, ngayon ay nasa mahigit 100,000 kaso na lamang.
By: Jopel Pelenio
SMR: RPE