Nasawi ang isang katorse anyos na lalaki habang isa ang sugatan matapos masunog ang kanilang bahay sa Barangay Capoocan, Calbayog City ngayong araw.
Kinilala ng mga otoridad ang nasawi na si Michael Montes, mag-aaral ng Calbayog City National High School.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang apoy sa bahay na pagmamay-ari ni Pastor Daniel Montes sa Purok 5 mag a-alas-2 ng madaling-araw at naapula mag-aalas-3.
Tatlong pamilya naman ang naapektuhan ng sunog na may pinsalang nasa P720,000.
Sa ngayon, hindi pa madetermina ang dahilan ng sunog.