Patay matapos makadampot ng live-electric wire ang 14-anyos na lalaking nangangalakal sa brgy. Roxas, San Carlos City, Pangasinan.
Kinilala ang biktima na si Eric Gamboa, na nakuryente dahil inakala niyang copper-wire ang kinuha niyang live wire na nasa isang abandonadong bahay.
Agad na isinugod ng mga tauhan ng City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) ang biktima sa Pangasinan Provincial Hospital, San Carlos City pero idineklara itong dead on arrival ng kanyang attending physician.
Iniimbestigahan na ng mga tauhan ng PNP Pangasinan ang lugar na pinangyarihan ng insidente.