Kinilala ang dalawang kabataang Pinoy na napabilang sa 30 Most Influential Teenagers of 2017 ng Time Magazine.
Pinapurihan ng naturang international magazine si Shibby de Guzman, 14-anyos sa kanyang naging partisipasyon sa pagkilos laban sa paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Naging takaw pansin si De Guzman dahil sa placard na nakasabit sa kanyang leeg na tulad sa nakukuha sa mga pinapatay na kriminal na nagsasabi na kahit sino ay maaaring maging drug pusher.
Umani ng pagbatikos ang larawan ni De Guzman at ng kanyang mga kaklase na di umano’y ginagamit lamang ng kanilang paaralan.
Pinalagan ito ng bata sa pagsasabing hindi dapat na maliitin ang kapangyarihan ang kabataan.
Bukod kay De Guzman, tampok din sa naturang listhan ang isa pang Pilipino ang beauty vlogger na si Bretman Rock Sabayanan kasama ang iba pang mga maimpluwensyang kabataan tulad nina Brooklyn Beckham at Jaden Smith.
Un Retouched – Pimples, stretch marks , hair and all. feat: Makeup ✨ but I stay cute pic.twitter.com/gZcTGxzdsb
— BretmanRock (@bretmanrock) December 21, 2016
—-