Iniimbestigahan ngayon ng US Centre for Disease Control ang 14 na bagong kaso ng zika virus na posibleng naipasa sa pamamagitan ng pakikipagtalik.
Kaugnay nito, pinapayuhan ng CDC ang lahat ng mga kalalakihan na bumiyahe sa mga lugar kung saan aktibo ang zika na gumamit ng condom sa pakikipagtalik o kung maaari ay umiwas muna upang maiwasan ang pagkalat ng zika.
Sa ngayon ay wala pang ebidensya na ang mga babae ay may kakayahan ding maipasa ang zika virus sa kanilang sex partners.
Sa ngayon ay patuloy pa ang isinasagawang pagsisiyasat upang maintindihan ang epekto at takbo sa katawan ng zika virus.
By Ralph Obina