Isinailalim na sa state of calamity ang labing apat (14) na barangay sa Malay, Aklan dahil sa epekto ng ipinatupad na pagpapasara sa isla ng Boracay.
Ang deklarasyon ay batay sa endorsement mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office – Malay at resolusyon ng mga barangay.
Matatandaang nauna nang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang state of calamity sa tatlong barangay sa isla na kinabibilangan ng Yapak, Manoc-Manoc at Balabag sa gitna ng ginagawang rehabilitasyon.
—-