Target ng militar na masagip ang natitirang 14 na bihag ng Abu Sayyaf Group bago ang barangay at SK elections.
Ayon kay Brigadier General Cirilito Sobejana, Commander ng Joint Task Force Sulu, may hawak pa ang Abu Sayyaf na 1 Dutch, 3 Indonesian, 1 Vietnamese, 5 Pilipinong sibilyan at 2 babaeng pulis.
Sa ngayon, bumaba na sa 300 ang bilang ng mga Abu Sayyaf sa Sulu mula sa dating 700.
Mababa na aniya ngayon ang morale ng mga bandido at wala na rin silang namomonitor na recruitment ng grupo.
Ayon kay Sobejana, tatlong batalyong sundalo ang puspusang nagtatrabaho ngayon para masagip ang mga bihag ng Abu Sayyaf.
—-