Aabot sa 14 na bilateral agreements ang nilagdaan ng Pilipinas at China kasabay ng tatlong araw na state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa nasabing bansa.
Ayon sa Office of the Press Secretary (OPS), may kinalaman sa agrikultura, imprastraktura, pakikipagtulungan sa pagpapaunlad, seguridad sa dagat, turismo at iba pa ang mga nilagdaang kasunduan.
Kabilang dito ang mga sumusunod, sa Agrikultura ang joint action plan para sa 2023-2025 agricultural and fisheries cooperation; handover ng certificate ng Philippine-Sino Center for Agricultural Technology-Technological Cooperation Phase 3, at protocol para sa phytosanitary requirements ng pag-export ng durian mula sa Pilipinas patungong China.
Sa imprastruktura, ang mga bilateral agreements na nilagdaan ay ang; memorandum of understanding sa Belt and Road Initiative; handover certificate ng dalawang China-aided bridge projects sa Manila; framework agreement para sa Renminbi-portion ng loan financing para sa tatlong priyoridad na proyekto ng DPWH at apat na loan agreements para sa mixed-credit financing sa ilalim ng DPWH.
Sa development cooperation, ang mga kabilang na bilateral agreements ay ang; MOU sa pagitan ng Ministry of Industry at Information Technology ng China at DICT; at MOU sa pagitan ng NNEDA at International Development Cooperation Agency on the Development Cooperation Plan 2023-2025 ng China.
Samantala, ang mga bilateral agreements naman sa maritime security ay ang; pagtatatag ng mekanismo ng komunikasyon sa mga isyung pandagat sa pagitan ng DFA at Ministry of Foreign Affairs ng China.
Isang MOU naman sa pagitan ng Kagawaran ng DOT at Ministry of Culture and Tourism of China ang napasama sa bilateral agreement ng Pilipinas at China.