Hindi na kailangan pang pahabain ang mandatory 14-day quarantine period.
Ito ang iginiit ni Vaccine Expert Panel Dr. Rontgene Solante, matapos na ma-detect ang unang dalawang kaso ng Omicron variant sa bansa.
Aniya, sapat na ang 14 na araw upang masubaybayan at maobserbahan ang mga sintomas ng nasabing nagpositibo sa virus.
Samantala, sa ilalim ng bagong alituntunin, ang mga biyahero na kumpleto na ng bakuna ay dapat na mayroong negatibong resulta ng RT-PCR na isinagawa sa loob ng 72 oras bago umalis sa pinagmulang bansa. —sa panulat ni Airiam Sancho