Itinanggi ng Department of Interior and Local Government (DILG) na nagpapatupad sila ng 14 na araw na quarantine sa mga biyaherong magmumula sa mahigit 20 bansang may kumpirmadong kaso ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (nCoV-ARD).
Ito ay matapos kumalat sa social media ang nabanggit na infographic na naglalaman ng pekeng impormasyon.
Ayon sa DILG, wala silang ipinalabas na polisiya hinggil sa nabanggit na 14 day quarantine gayundin ang pagpapalabas ng kumalat na infographic.
Iginiit ng ahensiya, alinsunod sa kanilang DILG Memorandum Circular 2020-023, tanging mahigpit na ipinatutupad sa ngayon ang 14-day quarantine sa mga biyaherong mula China, Hongkong, at Macau.
Habang maaari lamang sumailalim sa boluntaryong pag-quarantine ang mga bumiyahe mula sa iba pang mga bansang apektado rin ng nCoV.