Malaking kawalan sa serbisyo ang 14 na araw na nawawala sa kanilang trabaho ang mga health workers na dinadapuan ng COVID-19.
Binigyang diin ito kay Dr. Rontgene Solante, isang infectious disease expert at miyembro ng Vaccine Expert Panel (VEP) kaya’t pabor siyang maturukan ng booster shots ang mga health workers.
Ipinabatid ni Solante na nagsumite na ang V.E.P ng rekomendasyon sa all experts groups ng DOH hinggil sa booster shots.
Tinukoy ni Solante ang mga pagaaral na bumababa na ang immunity ng ilang bakuna lalo na yung mga naiturok sa mga matatanda o mga immunocomprised.
Inirekomenda aniya ng panel na i prioritize sa booster shots ang mga naunang naturukan na ng COVID-19 vaccine ng Sinovac.
Kasabay nito, kinontra ni Solante ang pahayag ng WHO dahil hindi kailangan ang ebidensya na mamamatay ang health care workers o magkakasakit ang mga ito bago sila turukan ng booster shots.