Patay ang labing apat (14) na foreigners nang atakihin ng mga armadong kalalakihan ang Intercontinental Hotel Restaurant sa Kabul Afghanistan.
Ayon sa ulat kabilang sa mga nasawi ay siyam (9) na Ukrainians, isang German, isang Greek at isang Kazakh citizen.
Maliban dito, sampu (10) katao din ang napaulat na nasugatan sa pag-atake.
Samantala, napatay naman ng mga rumespondeng Afghan Security Force ang tatlong suspek.
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang motiobo ng naturang pamamaril.
—-