Sinibak na ng pamunuan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang 14 na mga district engineers matapos ang ginawang imbestigasyon ng DPWH Task Force Against Corruption.
Ito ang inanunsyo ni DPWH Secretary Mark Villar sa Laging Handa Press Briefing.
Bukod sibakan sa pwesto, ani Villar, magkakaroon din ng balasahan sa ahensya sa mga susunod na araw.
Magkakaroon rin kami ng rigodon sa loob ng department and marami ang magiging pagbabago. Tuloy-tuloy naman ang laban sa corruption,” ani Villar.
Paliwanag ni Villar, ito’y dahil nagpapatuloy ang imbestigasyon ng DPWH Task Force sa iba pang mga sangkot sa katiwalian.
Kasunod nito, nanawagan ng tulong si Villar sa iba pang ahensya ng gobyerno para aniya’y magkaroon ng case build up sa naturang reklamo.
Oras namang matapos ang mga reklamong ito, naniniwala si Villar na makatutugon ito sa kautusan ng punong ehukutibo na magtino ang mga district engineers.
Sa huli, tiniyak naman ni Villar na hindi makakaapekto sa mga programang ginagawa ng ahensya ang nangyaring sibakan, dahil may matitino pa aniyang mga district engineers sa ahensya.