Nanawagan ng tulong sa gobyerno ang nasa 14 na driver at konduktor matapos silang abutan ng lockdown sa terminal ng kanilang pinagtatrabahuhang bus company sa Batangas City.
Dahil sa lockdown ay naapektuhan umano ang kanilang hanapbuhay.
Sa kasamaang palad ay hindi pa rin umano lubusang pinapayagang bumiyahe ang mga bus sa mga lugar na nasa ilalim pa rin ng general community quarantine (GCQ).
Dahil ditto, nasa 30 bus ng RRCG Southern Carrier ang nakaparada lamang sa garahe nito sa nabanggit na lungsod.
Karamihan sa mga driver at konduktor na ito ay mula Iloilo at Region 4B.