Nasagip ng mga elemento ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 14 na health workers matapos lumubog ang sinasakyan nilang bangkang de motor sa karagatang sakop ng bayan ng Rapu-Rapu sa Albay.
Ayon kay Gremil Naz, tagapagsalita ng Office of Civil Defense (OCD)-Bicol, kabilang sa mga na-rescue ang dalawang tripulante ng bangka, 13 nurses, at isang midwife na pawang mga health personnel sa ilalim ng Nurse Deployment Program (NDP) ng Department of Health (DOH) sa lalawigan.
Sinabi ni Naz na pabalik na sana ng Legazpi City ang grupo mula Rapu-Rapu island nang hampasin ng malakas na hangin at malalaking alon ang bangka na sinasakyan nila na naging dahilan ng paglubog nito.