Kaniya kaniyang reklamo ang mga residente sa Bohol matapos makaranas ng 14-hour power interruption.
Ayon sa ilang mga residente, napilitan na silang dumayo sa ilang mga mall at mga beach resort para masolusyonan ang kanilang problema sa init dahil sa power shortage.
Ang mga establisyimento kasi ay gumagamit ng mga generators para maresolba ang problema sa pagkawala ng kuryente at hindi maantala ang kanilang negosyo.
Sa naging pahayag ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ang power interruption ay dahil sa annual preventive maintenance ng kanilang 138KV submarine cable.
Tiniyak naman ng NGCP, na mananatili ang operasyon sa Commission on Elections (COMELEC) sa gitna ng filing ng Certificate of Candidacy ng mga kakandidato. —sa panulat ni Angelica Doctolero