Hindi pa madaanan ang 14 na national roads sa Northern Luzon dahil sa magnitude 7 na lindol na tumama kahapon.
Ayon sa Department of Public Works ang Highways (DPWH), hindi madaanan ang mga kalsada dahil sa nagbagsakang malalaking bato at pagguho ng lupa.
Kabilang sa mga apektado ang Abra – Kalinga Road; Abra – Ilocos Norte Road; Kennon Road sa Benguet; Benguet-Nueva Vizcaya Road; Baguio – Bontoc Road at Palispis Marcos Highway.
Patuloy ang assessment ng DPWH sa mga nasabing kalsada.