Nakarekober na ang 14 na kaso ng Omicron BA.2.12.1 sa bansa.
Ayon kay Health Secretary Maria Rosario Vergeire, fully vaccinated na at inobligang mag-isolate sa loob ng pitong araw ang dalawang pasyente sa Metro Manila at 12 pasyente sa Puerto Princesa City.
Sinabi pa ng opisyal na ang mga turistang tinamaan ng naturang subvariant ay mayroong booster shots.
Una na ring sinabi ng DOH na nakatanggap na ng karagdagang dose ng bakuna ang dalawang kaso sa Metro Manila.