Nakaligtas sa kamay ng Maute group ang labing apat (14) katao matapos tumawid sa Agus river.
Sa gitna na rin ito ng pangamba sa Maute snipers na nakatama sa isang lalaki habang tumatakas.
Nagsisigaw ang mga biktima na nakatakas na sila sa local terrorists at nang makita ng mga sundalo, pinaghubad ang mga ito para makita kung may tinatagong armas.
Sandali namang tumigil ang snipers sa panig ng gobyerno para ligtas na makadaan ang mga sibilyan.
Tinatayang dalawandaan hanggang tatlong daang sibilyan pa ang naiipit sa Marawi City.
Halos walumpung (80) indibidwal naman ang umano’y dinukot ng mga terorista sa isang mosque sa sentro ng commercial district.
By Judith Larino
14 katao nakaligtas mula sa kamay ng Maute group was last modified: July 26th, 2017 by DWIZ 882