Hindi bababa sa labing apat (14) na tao ang nasawi sa nangyaring engkwentro sa pagitan ng pulisya at dalawang naglalabang grupo ng drug traffickers sa Hilagang Mexico.
Batay sa ulat, nagsimula ang barilan sa pagitan ng dalawang magkalabang grupo sa bayan ng Las Varas at tumindi ang putukan nang dumating ang mga pulis.
Ayon kay Mexico State of Police Chief Oscar Aparicio, pinaulanan ng mga bala ang mga pulis na rumesponde sa insidente.
Pinaniniwalaang ang armadong grupong La Linea na konektado sa Juarez Cartel at mga hitman ng Sinaloa Cartel ang nagkabakbakan.
By Krista de Dios
14 katao patay sa engkwentro ng pulisya at 2 drug syndicate sa Mexico was last modified: July 6th, 2017 by DWIZ 882