Patay ang 14 katao sa tatlong magkakasunod na pagsabog ng bomba sa Baghdad, Iraq.
Naganap ang unang pagsabog sa isang nakaparadang sasakyan sa distrito ng Saydiya kung saan 11 agad ang naitalang nasawi at higit 30 ang sugatan.
Wala pang umaakong teroristang grupo sa naganap na pagsabog.
By Rianne Briones
Photo Credit: [Husseini/Reuters]