14 na katao ang nasawi matapos bumagsak ang isang military helicopter sa Sinaloa, Northwestern Mexico.
Ayon sa imbestigasyon ng awtoridad, 15 katao ang lulan ng Black Hawk helicopter.
Sa ngayon, nilalapatan na ng lunas ang nag-iisang nakaligtas sa insidente.
Patuloy namang iniimbestigahan ng awtoridad ang dahilan ng pagbagsak ng naturang helicopter.