Hindi bababa sa labing-apat (14) ang patay sa mass shooting incident sa Southern California.
Ipinabatid ng San Bernardino Sheriff Department na nagpapatuloy ang pagresponde nila sa lugar ng pinangyarihan ng krimen sa Inland Regional Center na matatagpuan sa layong 100 kilometro, silangan ng Los Angeles.
Kasalukuyan nang tinutugis ang hindi bababa sa tatlong suspek.
Hindi pa matukoy sa ngayon kung ano ang motibo sa naturang pag-atake.
By Meann Tanbio